SONA ( State of the National este Nation Adress pala)
Mabubuo ang Pilipino, Magkaisa, Magbunyi, Makinig, at Maniwala(?)

ang pilipino, umaasa, pinipilit makinig sa kanyang tinig,
inaasahan na ang kaunlaran ang maririnig,
binabaliktad pinapaikot,
umiikot bumabaliktad,
san' tayo patungo?
san' ka papunta?
kaunlaran?
Pagkasawi?
Nasan?
nasan ang katotohanan?
mga tanong....
walang kasagutan...
hinihintay, inaabangan
parang pila sa sinehan....
mahaba...
magulo....
sobrang gulo....
kasing sikat ni Vic Sotto....
Ang mga kasalanan mo.
kasalanan ko..
kasalanan nyo...
muling magkagulo...
mabuo(?)
pangarap, san nga ba patungo?
Sa mga kwento ni ate Glo..
maniniwala ka pa ba?
Eh di nga masagot ang mga tanong sa kanya...
paratang?
katotohanan?
nasan?
nawawalang kayamanan...
sakit ng lipunan....
puro kalokohan...
wala 'kong pinatatamaan...
pero kung ika'y nasasaktan...
sus! di ko yon kasalanan...
problema mo?
problema ko?
paki ko sayo?
ganito ang pilipino....
kaya tayo walang asenso....
........ makinig ka....
maniwala(?)....
sa pangako...
sa mga nagawa....(?)
Glo...
kelan po?
....... sa mga nakinig...
nagtiwala(?)
umasa(?)
kumampi(?)
tumiwalag(?)
..... nasan ka ng nangyayari ang mga ito?
natutolog?
o nagtutulog-tulugan....
haaaaa.......
pilipino ka nga....
nagbubulag-bulagan
nagbibingi-bingihan
wala kang makita...(dahil ayaw mo itong makita)
wala kang marinig...(dahil ayaw mo itong marinig)
hanggang kelan ka ganyan?
pakinggan ang pagsuyo...
pangako(?)
pagsusumamo(?)
sa bawat pangarap ni ate Glo....
tayo'y unti-unting naglalaho....
natutuliro....
minamasdan ang bawat paglubog ng araw sa dapit-hapon..
inaabangan ang bukang liwayway....
may pag-asa pa(?)
o baka naman....
pangarap na lang....
nilamon na ng kasawian ang ating katauhan....
matatag ka Pinoy...
andito ka pa rin...
nagaabang...
naghihintay....
alas tres na:
SONA na ba?
*68 percent of t he Filipino people doesnt even known the meaning of SONA, sad but its true...
1 Comments:
wow~ ang galing! ikaw ba nag composed no'n? bravo! bravo!
6:46 PM
Post a Comment
<< Home